3.1.13

Ang Nag-Iisang Senyora.

Magadang Tangahali! Amoy ulam na ba kayo? So?

Haha hey folks! Magtatagalog ako ngayon kasi wala lang. Nakaka-miss din mag-blog sa tagalog eh. Pero honestly, nauubusan na kasi akong ng English words. Yung alam kong Tagalog, hinding hindi mauubos, pero ang English ko, konting konti na lang! Mas komportable talaga ako sa English magsulat, kahit na minsan paliko-liko yung grammar ko. Pero hind yun yung topic ko ngayong araw, kundi ang aking napaka-gandang senyora.


Proud na proud kong sasabihin na isa ako sa higit niyang 200,000 na alipin. Grabe ang charisma nitong si Senyora, abot hanggang North Pole. Siguro naman kilala niyo siya di ba? Biruin mo bata pa ko nung huli kong mapanood ang Marimar pero hanggang ngayon ganya pa rin ang mukha ni Senyora, yung totoo Senyora? Ano po ba ang sekreto niyo? 

Noong una akong gumamit ng Twitte puro artista ang fina-follow ko, kaso ang boring nila. Narcissistic mag-post. Yung tipong alam kasi nila na maraming nagaabang sa mga tweets nila kaya ganon. Basta. Although meron din naman na nakakatuwa o kaya may sense ang tweets. And then, dumating si Senyora. Hindi ko alam kung paano o kung kelan nagsimula etong si Senyora. Basta may nabasa lang akong picture sa Facebook na may picture niya, yun bang Meme (Mim ang bigkas diyan) . Laman non ang sikat niyang linya. Tapos nun, lagi siyang nababanggit sa mga joke at kung saan, tapos my kaibigan akong nag-retweet ng banat niya. Simula noon, isa si Senyora sa nagpapaligaya ng araw ko. Sa totoo lang, umabot na ko sa dulo ng twitter timeline niya. Kinabagan nga ako eh, sino ba namang hindi kung mga ganito ang mababasa mo....


Minsa hindi ako natatawa sa mga hirit niya, minsan din narinig ko na sa kung saan. Pero madalas eh napapataw ako nitong si Senyora. Lalo na pag naguutos siya kay Facundo. Nai-feature na rin siya sa newspaper, sa TV Patrol ad 24 Oras. Naging cover na rin siya ng daing, tinapa, Metro, Preview, Mega, Vouge, Esquire at marami pang high class na magazine. Pinag uusapan na din na baka siya ang Time's Man of the Year, pero hindi pa sure yon. Kung gusto niyong tumawa sa mga hirit niya i-follow niyo lang siya sa Twitter, at sure ako, gaganda ang araw niyo.

Yun lang muna para sa araw na to. Smile!

4 comments:

  1. wha, ba't ganun, hindi ko sya kilala? marahil napatagal ang pagigiting ermitanyo ko kaya huli na ako sa balita. hehehe...

    natawa naman ako sa marami na siyang naging cover. ahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. okay lang yan, kelan ko lang din siya nakilala. haha kasi naman, labas din sa kweba minsan haha joke. madami talagang raket yans si senyora haha

      Delete
  2. kilalang ko siya hahaha.... pero dito ko lang nalaman na may twitter pa lang ganyan hehehe

    tinalo na niya si marimar sa kasikatan ah hehehehe

    Naaliw din ako dito....

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yes Sir! Nakakatawa din siya sa Twitter tapos yung ibang joke niya pinopost din sa FB. Nakaka-aliw talaga, haha

      Delete