29.11.12

What This Four Walled Room Does To Me

In a few months time, I will be leaving the life I've known and lived for five years. I have never been a fan of endings, happy or not and now that my college days are soon to be over, I've bee having all those scary thoughts I used to have whenever something ends. 

Separation Anxiety is a psychological condition in which a person experiences excessive anxiety regarding separation from home of from people to whom the person has string emotional attachment. 



Funny how I feel so attached to something I've always wanted to end. Ironic maybe, but in all honesty, I have loved my college days, much more the people I've been with in this journey. I do think that each and everyone of us, at some point, started worrying about the future. We've had all this questions and what if's that scared the hell out of us. Will I still be friends with my friends? Will I be seeing them again? Will they remember me? Can we really grow old together? Those are but a few questions that bothers me, but honestly, I don't think I want to know the answer.

I don't know where am I going with this post, nor why did I even bother writing it. Maybe its just the reality of facing a new world in a few months, maybe it's my age, maybe I'm just missing my friends that much. It could be many things, it could even be nothing. One thing's for sure though, I am growing up.

Anyway, I just want to share with you guys this thing I wrote before. I hope you will all like it. Have a good day guys, Smile!

Sabi nila, lahat ng bagay daw ay may katapusan. Wala naman talagang “forever” eh. Gawa-gawa lang yon ng mga taong walang magawa. Pero minsan, wini-wish ko na sana meron ngang “forever”, kasi napaka-daming bagay at tao ang gusto kong makasama sa forever na yun. Isa sa sakanila ay ang mga kaibigan ko.
Kagagaling ko lang sa sleep over naming magkakaibigan-slash-classmates-partners-in-crime. At sa lahat yata ng sleep over na nangyari sa buhay ko, isa siya sa pinaka-masaya. Nanuod kame ng Insidious at the Glass House, kumain ng pancit canton, uminom ng sangdamukal na iced tea, nag kwentuhan, nag-asaran, nagkulitan, nag-sakitan, nag-trip, napagod, naghanap ng kanya-kanyang pwesto, tumawa pa ng konte at natulog na ng tuluyan.

Kahit nag sisikan kame eh sobrang saya ko talaga non. Bihira lang kase ako matulog ng may katabi, kaya naman sobrang saya ko nung sampu kameng nag-overnight. Wala naman talaga kong masasabi eh, soabrang saya ko lang talaga, pero yung saya na yun nahaluan ng lungkot. Naabutan kase naming yung Toy Story 3 sa Star Movies, eh sakto marami pang hinde nakaka-nuod non, so pinanood muna naming bago and DVD marathon ulit. Masaya yung movie nakakatuwa pero nung bandang huli na, dun ako naapektuhan ng sobra.
Siguro naman napanuod na yun ng lahat. Naiyak talaga ko sa last part, yung binigay na ni Andy sa bata , yung lahat ng laruan niya, tapos dinedescribe niya isa-isa lahat ng laruan. Na-realize ko kase na lahat talaga ng bagay, gaano man kaliit o kalake ang epekto sa buhay naten eh matatapos o mawawala. Ang daming tumakbo sa isip ko non. Naisip ko na gagraduate na kame, magkakaroon ng sariling buhay, maghihiwalay, bubuo ng sariling pamilya, magiging sobrang busy na makalimutan na naming na magkakaibigan pa kameng lahat. Natatakot ko na isang araw magising na lang ako at marealize na  kelangan ko na mag let go at harapin ang buhay ng magisa, kase lahat ng kaibigan ko ganun na ang ginawa. Natatakot ako na makalimuta ako ng mga taong nagging parte ng buhay ko, kasi ako, hinde ako marunong makalimot. Natatakot ako na baka isang araw ako na lang yung sumusubok na magkasama kame, ako na lang yung nag-eeffort, kase busy na sila. Natatakot ako na baka yung mga susunod kong mga kaibigan eh hindi ako magustuhan o hindi ko sila magustuhan tapos wala na akong babalikan na mga kaibigan kase lahat sila naka-move on na. Ayoko, ayoko dumating sa point na yun. Kaya sobra yung iyak ko kanina, pero hindi ko pinahalata. Sorang mahal ko lang talaga yung mga kaibigan ko kaya kung ano ano ang naiisip ko. Wala naman kase akong matatawag na pamilya dito kaya lagging kaibigan ang kasama ko. Sa totoo nga niyan, kung hindi dahil sa kanila, baka nag-drop na ko ngayon, o tumigil sa pag-aaral. Sila ang isa sa rason kung bakit ako napasok sa school. Naeexcite kase ako kung ao bang bagong  joke, bagong trip na naman ang gagawin nila. Nabubusog ako sa kwentuhan at kaulitan namin na minsan ayaw ko na umuwi sa bahay. Mahal na mahal ko talaga sila.
Bibihira lan tayo makahanap ng taong matatawag nating tunay na kaibigan. Kaya sana kung sa tingin nyo nahanap nyo na sila, sana wag nyo silag hayaang mawala, kasi isa sila sa mga taong magpapalakas sayo. Kung nababasa nyo to, kunin nyo ang cellphone nyo, buksan ang YM o tumabi sa landline at itext,ichat o tawagan nyo ang mga tunay nyong kaibigan at sabihing mahal na mahal nyo sila.
At para sa mga kaibigan ko naman Riri,Janine,Larvin,Ayeth,Romjeff,Deniza,Arriane at Jozel, mahal na mahal ko kayong lahat. Masaya ko na nakilalako kayo at masaya ko dahil nagging kaibigan ko kayong lahat. Salamat sa lahat, sa pagtanggap kung ano ako, at sa pagunawa kung anong hindi ko kayang gawin. Salamat sa pagpapatawa at pagbibigay ng ngiti sakin. Salamat sa pagdamay, salamat sa pagpuna ng mali ko. Salamat kasi kaibigan ko kayo, salamat, sobrang salamat. - Novemeber 23, 2011

0 (mga) puna:

Post a Comment