11.10.12

Bakit Umiiyak ang Langit

At ibinuhos ng ulap ang naipong
galit
at saya
na siya namang sinambot ng uhaw na lupa
ininom at nilagok
na siyang magiging pagkain ng butil ng mais 
na nasa sinapupunan nito
na sa mga darating na buwan a tutubo
lalaki
mamumunga ng dilaw na pagkaing laman ay sustansiya
na siyang bubusog sa kumakalam na bituka
ng manok
ng baka,
ng halos lahat ng hayop
kasama pati ang tao sa ibat ibang lupalop
na nakatira mga gusaling tinirik sa tigang na lupa
lulan ng mg sasakyang malaki at magara 
meron din namang malapit ng masira
na buong araw magtatrabaho para kumita
para may pambili ng pamatay gutom ng sikmura
para tumigil na ang musmos at kanyang mga luha
at sabay sabay na matutulog ng may ngiti sa mukha

at ang bawat butil ng malapot na pawis
bawat maalat na luhang itinangis
ay babalik muli sa lupa at aakyan sa langit
at hihigupin ng ulap kahit na ubod ng pait
na kagaya na kahit sinong nilalang ang mapupuno't magagalit
at sa sobrang inis ay ibabagsak ang galit
sa tigang na lupa
sa kalbong bundok
sa nangingitim na dagat
sa tuyong ilog
at sa ulo ng mga taong kanyang pinapakain
na pag-aalaga sa kalikasan ay di kayang gawin

-ang tulang ito sa kalahok sa Saranggola Blog Awards 4










7 comments: